NAKAPAGTAPOS ng kanilang training sa Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ang mga dating tagasuporta ng mga rebeldeng grupo sa Negros Occidental.
Ito ay dahil sa patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa mga lugar na apektado ng insurhensiya sa bansa lalo na sa San Carlos City Negros Occidental.
Sa pamamagitan ng Whole of the Nation Approach ay tila lumilinaw ang magandang kinabukasan ng marami sa mga kababayan na nasa laylayan ng lipunan at ng liblib na lugar na lubos na naaapektuhan ng gulo sa pagitan ng mga pwersa ng estado at ng mga rebeldeng grupo na CPP-NPA-NDF.
Isa sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para matulungan at di na muling maimpluwensiyahan pa ng mga komunistang teroristang grupo ay bigyan sila ng tamang kaalaman na magagamit nila sa kanilang ikabubuhay.
Dito nagtulungan ang iba’t ibang ahensiya sa pamamagitan ng Executive Order 70 at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naging epektibo para banggain ang maling idolohiyang itinuturo ng mga makakaliwang grupo.
Nakapagtapos ang 133 mga iskolar ng TESDA binubuo ng mga dating tagasuporta ng mga komunista grupo, magsasaka, katutubo at kanilang mga pamilya.
Iba’t ibang kurso naman ang ipinagkaloob sa kanila ng TESDA ito ay ang Shielded Metal Arc Welding NC I, Carpentry NC II, Produce Organic Concoctions and Extracts, at ang Raise Organic Hogs na pinondohan sa ilalim ng TESDA Scholarship Program.
Kung saan naganap ang graduation ceremony sa Covered Court, Barangay Guadalupe, San Carlos City Negros Occidental nito lamang Desyembre 13, 2021.