Panukalang departamento para sa mga OFW, pasado na sa Senado

PASADO na sa huling pagbasa sa Senado ang panukala para sa pagpapatayo ng magkahiwalay na departamento para sa mga OFW at iba pang Pinoy sa ibang bansa o ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

Nakakuha ito ng unanimous vote ang nasabing panukala.

Matatandaan na ang panukalang batas ay isa sa mga Urgent Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ng mga senador na hindi naging mabilis ang pagpasa nito dahil sa mga bagay na dapat nilang matiyak para sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Itinuturing naman ng mga senador na ang pagpasa ng naturang panukalang batas sa Senado ay maituturing na isang regalo sa lahat ng mga Pilipino sa abroad dahil sa matagal na aniyang inaasam ng mga ito na magkaroon sila ng sarili nilang departamento.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Senator Joel Villanueva na hindi pa rin polisiya ng panukalang batas na magpadala ng mga Pilipino sa abroad.

Sa ilalim ng panukala, isasailalim sa departamento ang lahat ng ginagawa ng Philippine Overseas Employment Administration at iba pang opisina na may kinalaman sa mga OFW at ito ang magiging pangunahing ahensya na tututok sa kapakanan ng mga Pilipino sa ibayong dagat.

Ilan pa sa mga ahensya na sasailalim sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos

* National Reintegration Center under the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

*Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) NA NASA PANGANGASIWA NG DFA

*Commission on Filipino Overseas, Philippine Overseas Labor Offices (POLO),

*International Labor Affairs Bureau, National Maritime Polytechnic,

* International Social Services Office (ISSO).

Mapapadali nito ang mga aplikasyon ng mga migrant worker at ang mga kaso na naipa-file laban sa mga illegal recruiters.

Pasado na sa Senado ang panukalang batas para sa paglikha ng departamento para sa mga OFW at iba pang Pinoy sa ibang bansa.

SMNI NEWS