SUMANIB sa listahan ng mga local government unit (LGU) ang 13 barangay sa Capiz na tumuligsa sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ang mga nasabing barangay ay napabilang sa ilalim ng impluwensiya ng communist terrorist group (CTG) at kabilang din sa 49 na barangay sa Panay na hindi pa nadeklarang malaya
mula sa CTG.
“For us to complete the liberation of Panay we have to clear all affected barangays,” ayon kay Major Cenon Pancito III, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army (PA).
Ang Panay ay binuo ng mga probinsiya ng Iloilo, Capiz, Aklan, at Antique.
Sa 49 na mga barangay, 43 dito ay sa Iloilo, dalawa sa Aklan, at apat sa Capiz.
Ipinadala na sa mga barangay ang community support program (CSP), na isang kasangkapan na ginamit ng militar upang maging ligtas ang mga barangay.
Ang deklarasyon sa NPA bilang persona non grata ay isang sukatan upang matukoy na ang barangay ay nagbago na ng pananaw.
“These barangays used to be part of the guerilla base of the enemy. The CPP-NPA has been there for so long,” ayon kay Pancito.
Matatagpuan naman ang mga barangay sa mga bayan ng Janiuay, Maasin, at Lambunao sa Iloilo at Tapaz sa Capiz.
Kabilang sa mga barangay ang Aglobong, Barasalon, Canauillian, Panuran, at Monte Magapa in Janiuay; Agrisab, Bagongbong, at Panuran sa Lambunao; at Bolo at Punong sa Maasin.
Sa munisipyo ng Tapaz ay ang mga barangay ng Lahug, Nayawan, at Siya.
Una nang nagdeklara ang mga bayan ng Janiuay, Maasin, Lambunao, Tapaz, at Capiz ng persona non grata laban sa CPP-NPA-NDF.
Maliban sa pagdeklara ay nagsagawa rin sila ng aktibidad ng pagsunog ng mga bandila ng CPP-NPA bilang tanda ng kanilang pagtalikod sa kanilang suporta.
“Hopefully the rest of the barangays will do the same so we can say that we can proceed with the clearing of the barangays,” ayon pa kay Pancito.