KASAMA sa nasawi sa naging pag-atake ng Israel sa Central Gaza nitong Linggo, Disyembre 8, 2024 ang 14 katao kasama na ang mga kabataan.
Nasa anim naman ang sugatan na mga pasyente matapos inatake rin ng Israel ang isang ospital sa Northern Gaza ayon sa ulat ng Palestinian health officials.
Kung babalikan, Oktubre 2023 nang unang salakayin ng Hamas militant group ng Gaza ang Israel at mula rito ay wala nang humpay ang mga pang-aatake ng Israel sa kanila.
Mahigit 45.6K na Palestinians na ang nasawi sa Gaza at sa ulat ng Israeli military, nasa 17K Hamas militants ang kanilang napatay.