144 medalya, nahakot ng Pilipinas sa SEA Games; Pilipinas, nasa ikaanim nang puwesto

144 medalya, nahakot ng Pilipinas sa SEA Games; Pilipinas, nasa ikaanim nang puwesto

NASA ikaanim nang puwesto ang Pilipinas sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games (SEA) Games sa Cambodia.

Batay sa medal tally ng alas-diyes ngayong umaga, nasa kabuuang 144 medals na ang nakuha ng mga atletang Pinoy mula sa iba’t ibang sports na kinabibilangan ng 27 gold, 51 silver at 66 na bronze.

Nangunguna naman sa medal tally ang bansang Vietnam na may 58 gold, pangalawa ang Cambodia na may 56 gold, Thailand na may 54 gold at Singapore na may 35 na gold.

Ang SEA Games ay binubuo ng 11 bansa mula sa Southeast Asia at magtatagal ang naturang biennial sports hanggang sa Mayo 17.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter