16-anyos na buntis, na-rescue sa drug den sa Cebu; Suspek timbog sa buy-bust

16-anyos na buntis, na-rescue sa drug den sa Cebu; Suspek timbog sa buy-bust

Isang 16-anyos na buntis na tatlong buwan nang nagdadalang-tao ang nasagip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Manga, Barangay Tisa, Cebu City noong ika-16 ng Hunyo.

Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation Cebu District Office (NBI-CEBDO), nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga ang menor de edad.

Natagpuan siya sa tirahan ng 37-anyos na si Alvin Plando, na naaresto matapos mahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu.

Nasamsam mula sa kanya ang 18 medium-sized sachets ng shabu na may tinatayang halagang ₱270,000, pati na ang mga kagamitan sa repacking.

Ikinabahala ng mga awtoridad ang impormasyong ginagamit umano ng suspek ang mga kabataang babae sa kanyang iligal na operasyon.

Ayon sa NBI, agad na ituturn-over ang menor de edad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa rehabilitasyon.

Bagamat inamin ni Plando ang pagkakasangkot sa bentahan ng droga, mariin naman niyang itinanggi ang paggamit ng mga menor de edad.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may iba pang batang nabiktima at kung konektado ang suspek sa isang mas malaking drug syndicate.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble