16 Pinoy na illegal immigrants sa Amerika, ipade-deport sa Pilipinas –DFA

16 Pinoy na illegal immigrants sa Amerika, ipade-deport sa Pilipinas –DFA

IPADE-deport na sa Pilipinas ang labing-anim na Pilipinong illegal immigrants sa Estados Unidos kasunod ng crackdown ng Trump administration sa mga dayuhan na walang legal na dokumento.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ilan sa mga ito ay walang anumang legal na papeles na nagpapatunay sa kanilang paninirahan sa Amerika, habang ang iba naman ay may mga kasong shoplifting.

Hinimok ni Ambassador Romualdez ang mga Pilipino na illegal immigrants sa U.S. na ayusin agad ang kanilang mga papeles para maiwasan ang pagkadeport.

Tinatayang nasa tatlong daang libo (300,000) hanggang tatlong daan at limampung libo (350,000) ang bilang ng mga Pilipinong ilegal na naninirahan sa Estados Unidos.

Ang pag-deport sa labing-anim na Pilipino ay nagsisilbing babala sa iba pang mga kababayan nating nasa parehong sitwasyon.

Nanawagan ang Ambassador para sa kooperasyon ng mga Pilipino para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon sa hinaharap.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter