2 araw na medical mission, isinagawa ng mag-asawang negosyante sa Pasig

2 araw na medical mission, isinagawa ng mag-asawang negosyante sa Pasig

DINAGSA ng daan-daang katao ang dalawang araw na libreng medical mission na isinagawa ng St. Gerrard Charity Foundation sa Brgy. San Nicolas at Brgy. Malinao sa Pasig City nitong weekend.

Isa ang 68-anyos na si Aling Emelita ang nakinabang sa medical mission ng St. Gerrard Charity Foundation sa Brgy. San Nicolas sa Pasig City.

Bukod sa nagp-check-up siya nang libre sa mata at sa tainga, dumaan din siya sa libreng masahe.

Hindi rin nito pinalampas ang laboratory test.

“Salamat at libre hindi kami gagastos, mahal din ang magpa laboratory ‘pag mga private kahit sa mga public kailangan magbabayad ka, dito libre, kaya tiyaga lang pila,” ayon kay Emelita, Beneficiary.

Aabot sa dalawa hanggang higit tatlong libong piso ang halaga ng laboratory test sa bawat pasyente kung ito ay hindi libre.

“Bale ang services na provide natin is fasting, blood sugar, eto ‘yung tinatawag na may fasting pero if ever naman na wala silang fasting o nakakain sila ‘meron din naman tayong random blood sugar, then meron tayong total cholesterol, blood uric acid, complete blood count o CBC, SGPT for liver damage, tapos creatinine for kidney problem, urinalysis, blood typing and then ECG or X-ray, mamimili po sila kung ECG or X-ray“ saad ni Dake Reyes, Operation Manager, Velman Heath Care.

Sinabi ni Ate Sarah at Kuya Curlee na ika-17 ang barangay ng San Nicolas sa Pasig ang binabaan nila ng medical mission.

At target din ng mag-asawa na gawin ang medical mission sa 30 barangays ng Pasig.

“Sana maabot naming ang medical mission naming sa lahat ng barangay ng Pasig so far pag 17 na were almost past the half naman ng barangay so pipilitin namin na makarating iba-ibang barangay pa,” ayon kay Sarah Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation.

Sabi rin ng mag-asawa na konting kurot lang sa kanilang kinikita ang mga gastusin sa medical mission at bukod pa dito patuloy rin ang kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng.

“At napansin namin sa bawat pagbibigay namin, sampung ulit naman po ang bumabalik sa amin, hindi kami nawawalan nadadagdagan po kami,” saad ni Curlee Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation.

“Bababa kami para maibigay ‘yung request nilang mga grocery kasi from the PM sa mga messengers naming, doon sila nag sesend ng message ng request para sa grocery packs parang tulong sa kanila at saka ‘yung time na ‘yun nagpalibre kami ng sakay sa coaster nung time na ‘yun,wika ni Sarah Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation.

Samantala, araw ng Linggo nang isinagawa sa Brgy. Malinao ang medical mission ng SGC foundation.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble