2 colonel ng Ukraine, naka-detain dahil sa assassination plot vs Ukrainian Pres. Zelenskyy

2 colonel ng Ukraine, naka-detain dahil sa assassination plot vs Ukrainian Pres. Zelenskyy

NAKA-detain ngayon ang dalawang colonel ng Ukraine State Protection Service matapos nadiskubre na kasali ito sa pagbuo ng plano para mai-assassinate si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Ang dalawa ay bagong kaanib ng Russian Federal Security Service ayon mismo sa Ukraine Government.

Sinasabing ang assassination kay Zelenskyy ay nakatakda sana bilang regalo kay Russian President Vladimir Putin bago ang inauguration ceremony nito para sa kaniyang ika-limang termino bilang pangulo ng Russia.

Maliban pa sa assassination plot ay isiniwalat din ng dalawa sa Russia ang iba pang mahahalagang impormasyon ng Ukraine.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble