IPINANGANGAMBAHAN na mawawalan ng trabaho ang nasa 2,000 na mga Pilipino dahil sa pagbebenta online ng peke o substandard na mga produkto.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, nasa 15 na mga kompanya na madalas nagbebenta ng appliances ang dumulog sa kaniyang opisina para dito.
Sinabi pa nito, ang mga dumulog sa kaniya ay mga lehitimo na mga negosyante at nagbabayad ng kanilang mga tax at sumusunod sa batas.
Ngayon ay kinukuwestiyon na ng mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) dahil hinahayaan nito ang pagpasok ng mga produkto na hindi dumaan sa tamang mga regulasyon.