2 miyembro ng communist terrorist, sumuko sa Bukidnon

2 miyembro ng communist terrorist, sumuko sa Bukidnon

SUMUKO ang dalawang miyembro ng communist terrorist na nag-o-operate sa Cabanglasan, Bukidnon sa ilalim ng Sub-Regional Committee 2 (SRC-2), North Central Mindanao Regional Party Committee (NCMRC).

Sa ulat ng 88th Infantry Battalion, kinilala ang mga sumuko na si alyas Sam, 24 taong gulang, squad leader, at kanyang misis na si alyas Ella, 24 taong gulang, squad medic.

Ibinunyag ng dalawa na nagdesisyon sila na sumuko dahil sa pagod, gutom, kulang sa tulog, pagkakasakit, at ang kanilang matinding pagnanais na makapiling ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Marami rin aniya sa kanilang mga kasama ang gusto na sumuko dahil nakubkob na ang ilan sa base nila kasunod ng walang humpay na kampanya ng militar.

Hinikayat ni Lieutenant Colonel Christian Vingno, commander officer ng 88th Infantry Battalion ang natitirang miyembro ng NPA na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter