ILILIPAT sa isang bagong pasilidad na ipinatatayo ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang 200 high-profile inmates ng New Bilibid Prison.
Pinaniniwalaang malalaking suppliers ng ilegal na droga ang mga ito dahilan para ilipat sila sa ibang mga pasilidad ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa pahayag pa ng ahensiya, aktibo pa rin ang mga ito sa pagsusuplay ng droga kahit nakakulong na.