INAPRUBAHAN na ng Manila-based multilateral lender na Asian Development Bank (ADB) ang $200-M na halaga ng loan ng Pilipinas para sa pagtatayo ng high-quality at climate-resilient infrastructure projects.
Ayon kay ADB Senior Transport Specialist Daisuke Mizusawa, umaasa sila na ang inaprubahang loan ay makatutulong para mas lumago pa ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ang halaga na ito ay karagdagang pondo na inaprubahan ng ADB noong 2017 para sa railways, roads, bridges, at flood protection facilities ng bansa.
Samantala, maliban sa $200-M na inaprubahan ngayon ay magbibigay rin ng technical assistance ang ADB na nagkakahalaga ng $1.5-M.
Gagamitin ito para sa pagpapalakas ng panuntunan, polisiya at investment planning para sa low-carbon at climate-resilient infrastructures.
Kasama rin dito ang pagbuo ng frameworks at methodologies na siyang tutulong para malaman ang climate risks ng isang imprastraktura.