TERMINATED na ang plenary deliberation para sa P9.031 Billion 2023 proposed national budget ng Office of the President (OP).
Mas mataas ang budget ng OP sa susunod na taon dahil sa mga meeting, presidential public engagements at official visits na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
P2.25-B naman sa pondo ng OP ay ilalaan sa Confidential Funds, at P2.25-B din para sa Intelligence Funds.
Hindi naman idinetalye ng OP ang items na paggamit ng Confidential at Intelligence Funds.
Ayon naman kay Navotas Rep. Toby Tiangco na sponsor ng OP budget sa plenaryo, na mahalaga ang role ng OP sa national security management kaya mahalaga na may sapat itong pondo.
Giit ni Tiango na ang pagtaas sa pondo ng OP ay ‘needed’ at ‘reasonable’ sa interes ng sambayanang Pilipino.