ISINUSULONG ngayon ng Kamara ang ilang mga pagbabago sa budget items ng 2023 proposed national budget.
Kabilang sa pinapopondohan ng Kamara ay ang Libreng Sakay Program ng DOTr na pinalalagyan nila ng P5.5-Billion.
Dito rin huhugutin ang budget sa pagpapagawa ng bike lanes para mas maraming mahikayat na gumamit ng bisikleta.
Pinapopondohan din nila ang Special Education Program (SPED) ng Department of Education sa P581-Million.
Pinalalagyan din nila ng P5-Billion ang TESDA scholarship programs sa 2023 at P5-Billion din para sa Tulong Dunong Program ng CHED o financial assistance para sa qualified beneficiaries.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang pagbabago sa budget ay para isulong ang mga mahahalagang programa ng pamahalaan sa susunod na taon.
“We need to ensure that social services are sufficient for the greater good of our countrymen, especially those in dire need of basic social services to survive,’’ ani Romualdez.