24 bagong prosecutors, itatalaga sa iba’t ibang opisina sa mga piling lalawigan

24 bagong prosecutors, itatalaga sa iba’t ibang opisina sa mga piling lalawigan

AGAD na itatalaga sa iba’t ibang opisina ang 24 na mga bagong prosecutors, matapos itong nanumpa sa Department of Justice (DOJ).

Nilinaw naman ng DOJ na ang paghirang sa mga bagong piskal ay magbibigay-daan para makamit ang zero-backlog at magpapagaan sa mabigat na gawain ng National Prosecution Service.

Nabatid na anim ang itatalaga sa Office of the Secretary of Justice Prosecution Service at ang iba ay mapupunta sa provincial at city prosecution offices sa Ilocos Sur, Bulacan, Malolos, Cabanatuan City, at iba pa.

Naniniwala ang DOJ na malaki ang maitutulong ng mga bagong prosecutor para mas mabilis na maresolba ang mga nakabinbing mga kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble