25-M Pinoy, hirap makabili ng pagkain—PSA

25-M Pinoy, hirap makabili ng pagkain—PSA

ISINIWALAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 25-M na mga Pilipino ang nahihirapang makuha ang kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain dahil sa kakulangan ng sahod.

Batay sa pag-aaral ng PSA, mula Enero hanggang Hunyo 2023, nasa P13,797 lang ang buwanang kita ng isang pamilya na may limang miyembro.

Nasa 8.7% naman o katumbas ng 9.79-M katao ang hindi nakaka-afford kahit sa pinaka-basic na food requirements sa unang bahagi ng 2023.

Samantala, nasa 5.9% o katumbas ng 1.62-M pamilya ang nahaharap sa food scarcity sa kaparehong panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble