Mga nakatatanda, may sakit, at PWDs, dapat unahing mapalaya sa jail decongestion program—mambabatas

Mga nakatatanda, may sakit, at PWDs, dapat unahing mapalaya sa jail decongestion program—mambabatas

IMINUNGKAHI ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na unahin sa bibigyan ng executive clemency ngayong Pasko ang mga nakakulong na nakatatanda, may sakit, at persons with disabilities (PWDs).

Suhestiyon na rin ito ng mambabatas matapos pinalaya ni Department of Justice Sec. Boying Remulla ang nasa 1.5-K na PDLs sa pamamagitan ng executive clemency.

Para naman sa iba pang mga PDL na kwalipikadong mapalaya na hindi naman matanda, may sakit o PWD, mainam ang ginagawang pagsasailalim sa kanila sa training at assistance para maayos ang kanilang pagbabalik sa lipunan.

Sa kabuuan, nasa 11-K na PDLs na ang napalaya sa ilalim ng Marcos administration bilang bahagi ng jail decongestion program ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble