26 Pinoy na biktima ng human trafficking mula Cambodia, ligtas nang nakauwi sa Pilipinas

26 Pinoy na biktima ng human trafficking mula Cambodia, ligtas nang nakauwi sa Pilipinas

MATAPOS ang matinding pagsubok sa ibang bansa, nakabalik na sa Pilipinas ang 26 na biktima ng human trafficking mula Cambodia sakay ng PR2622 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, araw ng Miyerkules, Abril 16.

Tiniyak ng pamahalaan ang ligtas nilang pag-uwi at agarang tulong para sa kanilang muling pagsisimula.

Ito’y sa pagtutulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development, Department of Justice, at NAIA Task Force Against Trafficking.

Agad ding nagbigay ang OWWA ng airport assistance, kabilang ang pagkain, pansamantalang matutuluyan, at tulong sa transportasyon pabalik sa kani-kanilang mga probinsya.

Ang nasabing 26 na mga Pinoy ay dadaan muna sa statement-taking sa National Bureau of Investigation bago tuluyang makauwi sa kanilang mga pamilya.

Samantala, tinitiyak naman ng DMW ang patuloy na pag-laban kontra human trafficking sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble