28 na sangkot sa e-sabong, arestado –Azurin

28 na sangkot sa e-sabong, arestado –Azurin

NASA 28 pang indibidwal na sangkot sa e-sabong ang naaresto ng Philippine National Police (PNP).

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. na naaresto ang mga ito sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP sa Mandaluyong City, Lapu-Lapu City, at Santiago City, Isabela.

Ayon kay Azurin, bahagi ito ng nagpapatuloy na pagpapatupad ng EO No. 9 na inisyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagsususpinde sa lahat ng e-sabong activities sa bansa.

Iniulat din ni Azurin na sa kasalukuyan, 102 platforms na sa e-sabong ang napasara ng PNP. sangkot sa e-sabong

78 platforms naman aniya ang binura o deactivated na habang 39 e-sabong websites at isang Facebook page ang out of service.

Follow SMNI NEWS in Twitter