3 matataas na opisyal ng CTGs, nahuli ng pulisya

3 matataas na opisyal ng CTGs, nahuli ng pulisya

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 3 matataas na opisyal ng CPP-NPA sa Brgy. Labangal, General Santos City.

Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., kinilala ang mga nahuli na sina Ruben Abenir Saluta, secretary ng National Propaganda Commission ng CPP Central Committee at dating secretary ng Panay Regional Party Committee; Presentacion Cordon Saluta, pinuno ng Komiteng Rehiyonal Panay; at Yvonne Losaria, lider ng Sentro-de-Gravidad, Guerrilla Front 35, Southern Mindanao Regional Committee.

Sila ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa rebelyon at murder.

Nakumpiska ng awtoridad ang samu’t saring armas, bala, mga gadget at mga dokumento.

Nasa kustodiya na ng CIDG Central Mindanao headquarters ang 3 suspek at ang mga nakuhang ebidensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter