3 Japanese firms, nangako na susuporta sa panukalang MIF

3 Japanese firms, nangako na susuporta sa panukalang MIF

TATLONG pribadong kumpanya ng Japan ang nangako na susuporta sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa isang interview ng media delegation na lulan ng PR 001 matapos ang 5-day working visit nito sa bansang Japan.

Sa tanong naman ng mga mamamahayag kung may government financial institutions na nagko-commit sa pondo ng MIF, sinabi ni Pangulong Marcos na mayroong ‘mix of pledges’ mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Inaasahang sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund, ay mapalalakas ang economic activity at magkaroon ng pondo para sa critical infrastructure projects sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter