3 kandidato sa pagka-presidente, hindi susuko sa pagtakbo para sa May 9 general elections

3 kandidato sa pagka-presidente, hindi susuko sa pagtakbo para sa May 9 general elections

HINDI susuko ang tatlong kandidato sa pagka-presidente para sa May 9 general elections.

Ito ang paninindigan nina presidential candidate Senator Panfilo Lacson, former Defense Secretary Norberto Gonzales at Manila Mayor Isko Moreno sa press conference sa isang hotel sa Makati City.

Nangako rin ang mga kandidato na patuloy na maglilingkod sa gobyerno kahit sino pa ang mananalong presidente ng bansa.

Ayon kay Mayor Isko, magsasanib puwersa silang mga kandidato para labanan ang anumang pandaraya sa darating na eleksyon.

Ayon naman kay Lacson, ginawa nila ang joint press conference para ipahatid sa mga tao na hindi lamang si VP Leni at presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang naglalaban-laban.

Nais din nilang malinawan ang publiko hinggil sa naturang isyu at sa mga kumakalat na fake news.

Ibinunyag naman ni Gonzáles na pina-withdraw na siya ni former Commissioner Guanzon at ng dalawa pang matataas na tao ngunit hindi ito papayag.

Samantala, hindi naman nakadalo si Senator Manny Pacquiao at former Palace Spokesperson Ernesto Abella sa nasabing pagpupulong.

BASAHIN: 3 presidentiable, binanatan ang kampo ni VP Robredo sa tangkang paatrasin sa halalan

Follow SMNI NEWS in Twitter