PURING-puri ang husay at tapang ng asong si Appa, isang Philippine Coast Guard (PCG) Working Dog na nakakita ng tatlo pang nasawing indibidwal sa search and retrieval ops nito sa nangyaring landslide incident at Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro.
Ayon sa coast guard, nananatiling unidentified ang tatlong mga katawan sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga posible pang buhay sa naturang landslide.
Patuloy pang kinukumpirma ng mga awtoridad kung kasama na ang tatlo sa unang 11 bilang ng nasawi mula sa pagguho ng lupa sa ulat ng PDRRMO.
Si Appa ay isang highly trained member ng Coast Guard K9 Search and Rescue Unit.