INAAYOS ng Thailand ang export competitiveness nito at ngayon ay nagde-develop ng bagong rice varieties upang maabot ang market demand kung saan inaasahan ang 30 bagong rice varieties.
Nilalayon ng Commerce Ministry na makapag-develop muli ng 12 bagong rice varieties sa susunod na taon sa ilalim ng 5-year development plan matapos na matagumpay na makagawa ng 21 bagong uri nito.
Sa 12 bagong varieties, apat ang hard-texture grain, apat naman ang mayroong soft texture, dalawa ang fragrant rice at dalawa ang high nutrition type.
Ang ganitong uri ng mga bigas ay malaki umano ang demand sa global consumer.
Ang kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor ay nagdulot ng matagumpay na sertipikasyon sa mga bagong uri ng bigas sa susunod na taon.
Ayon kay Commerce Minister Jurin Laksanawisit, higit pitong tonelada ng bigas ang nai-export ng bansa noong nakaraang taon at umaasa naman itong mas lalaki pa ang bilang ngayong taon.
Sa unang anim na buwan ngayong taon, ang Thailand ay nakapag-export na ng apat na milyong tonelada ng bigas, ito ay pag-angat ng 20 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.