Naipaabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, P53-M na—DSWD

Naipaabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, P53-M na—DSWD

AYON sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) P53-M na ang naipaabot na tulong sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Nagpapatuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga residente na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa abnormalidad na ipinakita ng Bulkang Mayon.

Dahil dito, iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ang nagpapaabot ng tulong sa pamamagitan ng pinansiyal o relief goods.

Ang DSWD ay mahigit na sa P53 milyong humanitarian assistance na ang naihatid sa mga lugar sa Albay.

Kabilang na rito ang ipinamahaging tulong-pinansiyal sa mga evacuee sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nabigyan din ng ayuda ang mga pamilyang inilikas sa Calamig at sa bayan ng Malilipot.

Sa kabuuan, nasa higit P9-M na ang naipamahaging cash assistance ng DSWD Bicol sa halos 2,000 displaced families.

Matatandaan, sa isang pahayag sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na maaaring magamit ng mga pamilya ang cash aid para makabili ng iba pa nilang pangangailangan na hindi kasama sa family food packs.

Gayunpaman, nasa higit 5,000 pamilya pa rin ang nananatili sa mga evacuation center sa Albay dahil sa banta ng Bulkang Mayon.

Habang sinimulan araw ng Miyerkules ang pagpapauwi sa mga evacuee na inilikas na nakatira sa labas ng 6 km radius permanent danger zone partikular sa Guinobatan at Sto. Domingo sa Albay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter