PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Forces (IATF) ang hanggang sa 30% capacity venue para sa religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quaratine (GCQ) hanggang sa Mayo 31.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevrra.
Ayon kay Guevarra, nakipagpulong ang IATF sa Metro Manila Mayors na nagpakita naman ng buong suporta sa pagpapataas ng kapasidad sa mga simbahan.
Matatandaang sa pag-anunsyo ng heightened GCQ sa NCR Plus at iba pang lugar, nasa 10 percent venue capacity lamang ng mga simbahan ang pinapayagan.