MAAARI na ang staycation sa NCR Plus na nasa ilalim ng heightened General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon na mayroong 13 hotel sa NCR na may total room capacity na 5,986 ang nakapag-comply sa requirement ng Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Bengzon, nakakuha na ang mga ito ng certificate of authority to operate para sa staycation.
Ang 13 hotel ay ang Okada Manila Hotel, Shangri-La at The Forts, Grand Hyatt Hotel, Joy Nostalg Hotel & Suites Manila, Nobu Hotel, EDSA Shangri-La Manila, Hyatt Regency, Nuwa Hotel of City of Dreams, Solaire Resort, The Peninsula Manila, Aruga by Rockwell, Hilton Manila at Sheraton Manila Hotel.
Bukod sa staycation, sinabi rin ni Bengzon na pinapayagan na ang point-to-point (P2P) leisure air travel papasok at palabas ng NCR Plus para sa accommodations.
Sinabi ng tourism official na ang pagpayag sa staycations at P2P air travel ay makakatulong sa tourism industry na makarekober.
(BASAHIN: Hotels bilang quarantine facilities, iginiit na hindi maaaring tumanggap ng staycation guest)