TAGUMPAY na nailikas ng Palestinian Red Crescent Society ang 31 premature babies mula sa Al-Shifa Hospital sa Gaza.
Inilipat ang naturang mga sanggol sa pakipagtutulungan ng World Health Organization (WHO) at United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs.
Una nang sinabi ng WHO na bukod sa naturang mga premature babies ay mayroon pang natitirang 291 na mga pasyente sa naturang ospital.
Samantala, nilinaw naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanhayu na wala pang napagkasunduan kaugnay sa full ceasefire kapalit ng paglaya ng mga dinukot ng militanteng Hamas.
Kaugnay ito sa ibinalita ng Washington post na nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng Israel, Hamas, at Estados Unidos kaugnay sa pagpapalaya ng mga hostage kapalit ng tigil-putukan sa Gaza City.