32.2-M SMS na may clickable links, na-block ng Globe sa loob lang ng 2 linggo

32.2-M SMS na may clickable links, na-block ng Globe sa loob lang ng 2 linggo

PUMALO na sa mahigit 32.2 milyong scam at spam text messages na may clickable links ang na-block ng telco player na Globe sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ayon sa Globe, ito ay mula September 28-October 13, 2022.

Ibig sabihin, nasa 2.4 milyong SMS kada araw ang naba-block ng Globe bilang tugon sa tumataas na bilang ng spam at scam messages lalo na sa mga naglalaman ng buong pangalan ng mobile users.

Samantala, sinabi rin ng Globe na nakapag-block na sila ng 1.3 bilyon na spam at scam messages mula Enero hanggang Setyembre, nalagpasan nito ang 2021 full year na may 1.15 bilyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter