NASAWI ang 33 katao at 18 naman ang nakumpirmang nawawala matapos ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan sa Beijing ayon sa ulat nitong Miyerkules.
Nagpahayag ng kaniyang pakikipagdalamhati si Vice-Mayor Xia Linmao sa mga pamilyang nabiktima ng masamang panahon.
Samantala, sa ulat, 15 ang nasawing indibidwal at 22 ang nawawala sa Hebei Province habang 14 ang nasawi at isa ang nawawala sa hilagang silangan ng Jilin noong Linggo.
Nasa 7 katao naman ang namatay sa Sichuan nitong Miyerkules dahil sa pagtama ng hindi inaasahang malakas na alon ng tubig.
Ang masamang panahon ay nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng mga gusali at lampas na sa warning markers ang mga lebel ng tubig sa magkatabing bansa.
Patuloy pa rin ang mga isinasagawang rescue operations at pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nabiktima ng kalamidad.