NAG-aalok ang Intramuros administration ng libreng entrance sa ilang historical landmarks na matatagpuan sa tinaguriang ‘Walled City’ ngayong Biyernes, Setyembre 27, 2024.
Bilang pagdiriwang ito sa World Tourism Day.
Batay sa anunsiyo, bukas ang Fort Santiago at Baluarte San Diego mula 8 am – 12nn.
Ang Casa Manila Museum at Museo de Intramuros naman ay bukas mula 9 am – 12 nn.
Sa lahat ng interesado, kailangan lang iboto ang Intramuros na sa kasalukuyang nominated bilang world’s leading tourist attraction sa www.worldtravelawards.com/vote.
Ipakita lang ang screenshot nito pagkapasok sa historical landmarks.