MAYROONG five-day break sa buwan ng Abril ayon sa Malacañang kasabay ang paggunita ng Holy Week at Araw ng Kagitingan.
Ang Abril 6 ay Maundy Thursday habang Good Friday ang Abril 7.
Ang Araw ng Kagitingan ay Abril 9 subalit dahil ito ay nataon sa araw ng Linggo, inilipat sa Abril 10 ang regular holiday.
Batay rin ito sa official gazette ng Pilipinas kung saan ang Abril 6, 7 at 10 ngayong taon ay idineklarang regular holidays sa ilalim ng Proclamation No. 90 na inilabas noong taong 2022.