57 ilegal na dayuhan, pinauwi na ng Bureau of Immigration

57 ilegal na dayuhan, pinauwi na ng Bureau of Immigration

NASA kabuuang 57 dayuhan ang pinauwi na ng Bureau of Immigration (BI) sa kani-kanilang bansa bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa mga ilegal na dayuhan sa Pilipinas.

Ang mga pinauwi, na binubuo ng 46 na Chinese nationals, isang Malaysian, pitong Myanmar nationals, at tatlong Vietnamese nationals, ay umalis sa bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang flights sa Ninoy Aquino International Airport mula Enero 31 hanggang Pebrero 5. Bahagi sila ng 450 dayuhan na naaresto noong Enero dahil sa paglabag sa batas ng Pilipinas, partikular na iyong mga sangkot sa ilegal na POGO operations.

Ayon kay B.I. Commissioner Joel Anthony Viado, hindi magpapabaya ang ahensiya sa mga dayuhan na sinasamantala ang pagkamapagpatuloy ng Pilipinas para sa ilegal na mga gawain.

Ang pagsugpo ay nakatuon sa mga dayuhan na sangkot sa ilegal na POGO operations, na nauugnay sa human trafficking, cyber fraud, at iba pang mga krimen.

Binigyang-diin ni Viado na walang palalampasin sa mga nagsasamantala sa bansa para sa ilegal na operasyon.

Ang kampanyang ito ay bahagi ng mas pinag-igting na pagpapatupad ng B.I.

Magtutulungan ang mga awtoridad para matukoy, maaresto, at maalis ang mga dayuhan na sangkot sa mga krimen.

Nangako rin ang B.I. na magpapatuloy ang deportasyon sa mga ilegal na dayuhan sa pakikipagtulungan sa ibang mga law enforcement agency, at inaasahan ang mas maraming pag-aresto at pagpapauwi sa mga susunod na buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble