TARGET ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapalaya ang nasa 5K hanggang 6K na persons deprived of liberty (PDLs) sa susunod na buwan.
Karamihan sa mga palalayain ay ang PDL na nakulong dahil sa heinous crimes.
Ang planong pagpapalaya sa kanila ay sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Bagamat hindi saklaw noon ng GCTA ang mga nakulong dahil sa heinous crimes, binago na ito ng Korte Suprema noong 2022 kaugnay sa Maclang vs Hon. Leila de Lima case.
Ibig sabihin, maaari nang mapalaya ang isang preso na sangkot sa heinous crimes sa ilalim ng GCTA.
Kung matutuloy nga ang pagpapalaya ng 5K hanggang 6K na PDL ay makatutulong ito upang ma-decongest ang mga piitan.