6 miyembro ng CTG sa Bukidnon, sumuko sa pamahalaan

6 miyembro ng CTG sa Bukidnon, sumuko sa pamahalaan

SUMUKO sa pamahalaan ang 6 miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa Bukidnon.

Naging matagumpay ang ginawang pakikipag-usap ng tropa ng 8th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng 403rd Infantry Brigade (Inf. Bde). sa mga natitirang miyembro ng CTG sa Impasug-ong Bukidnon.

Ang nasabing pag-uusap ay nagresulta sa pagsuko ng anim na miyembro ng CTG mula sa nabanggit na lugar.

Ayon kay 8IB Commanding Officer, LtCol. Marc Bien Stevens Deslate na ang pagsuko ng anim na NPA ay pinangunahan ng mismong squad leader nila na kinilalang Alaw Namulanta Lagaolao alias Circus, 29-anyos.

Ang anim na sumuko ay nanggaling lahat sa Squad 3, HQF Neo ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) kasamang isinuko nila ang tatlong AK47 Rifles at isang M1 Carbine Rifle.

Ayon sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan, napagdesisyunan nila na sumuko sa gobyerno dahil sa hindi patas na pamamalakad sa loob ng organisasyon.

 

Kabilang din sa kanilang rason ng pagsuko ay ang matinding gutom, pagod, at ang kawalan ng suporta mula sa sibilyan.

Ayon kay 4ID Commander, Major General Jose Maria R. Cuerpo II na ang naturang katagumpayan ay nagpapakita ng isang kaunlaran sa kampanya upang makamit ang kapayapaan sa Bukidnon at maging sa iba pang bahagi ng kanilang nasasakupan sa Hilagang Mindanao at rehiyon ng Caraga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble