66.5-M dolyar na proyekto ng EDCA, ipatutupad na –DND

66.5-M dolyar na proyekto ng EDCA, ipatutupad na –DND

IPATUTUPAD na sa taong 2023 ang mga proyekto sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, nagkakahalaga ng 66.5-M dollars ang mga naaprubahang proyekto ng EDCA na makukumpleto sa loob ng 2 taon.

Kabilang dito ang training, warehouse at iba pang pasilidad sa Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija, at Lumbia Airport Base Station sa Cagayan de Oro.

Tiniyak ng Defense Department ang kanilang hangarin na mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto ng EDCA sa mga kasalukuyan at bagong lokasyon para sa isang “credible mutual defense posture.”

Una nang nilinaw ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. na hindi military base ang itatayo ng Estados Unidos ngunit mga pasilidad na makatutulong sa pagsasanay ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

 

 

Follow SMNI News on Twitter