NAKATAKDANG darating sa Pilipinas ngayong hapon ang 7 Japanese policemen para sumundo o mag-eescort sa dalawang hapones na idedeport mamayang gabi.
Nauna ng sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na matutuloy na ang deportation dahil ibinasura na ng korte sa Pasay City ang mga kaso nina Tomonobu Saito at Yuki Watanabe.
Batay sa impormasyon na ibinahagi ng Department of Justice ay nakatakda ang deportation mamayang 11:45 ng gabi at isasakay sila sa Japan Air Lines flight 078 na lilipad mula sa NAIA terminal 1 pabalik sa Japan.
Samantala kahapon naman ay nauna ng nadeport ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Kyoto Imamura at Toshiya Fujita.