700 siklista, nakiisa sa PhilCycling National Championships

700 siklista, nakiisa sa PhilCycling National Championships

NAKIISA ang nasa 700 siklista sa isinagawang PhilCycling National Championships for Road, araw ng Martes, Hunyo 27 sa Tagaytay City.

Nakilahok ang nasa 627 lalaki at 94 babaeng siklista sa nasabing kompetisyton.

Ang nasabing kompetisyon ay magiging isa sa mga pamantayan para sa pagpili ng mga miyembro ng National Men and Women Road Teams.

Pinangunahan ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, at pinuno rin ng PhilCycling, ang nasabing kompetisyon.

Kasabay ang Philippine Sports Commission, Tagaytay City, Eight District of Cavite, First District of Batangas, City of Calaca at mga munisipyo ng Nasugbu, Tuy, Balayan, Agoncillo, Laurel at Lian, gayundin ang Philippine National Police at Batangas Red Cross.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter