KABILANG ang ilang Olympians at gold medalists ng Cambodia SEA Games (SEAG) ang sumali sa Pinas leg ng Hangzhou Asian Games Fun Run nitong Lunes, Hunyo 5, 2023 sa Tagaytay City.
Kasama rito sina Eumir Marcial, Jasmine Alkhaldi, Jason Balabal, Percious Cabuya, Mark Julius Rodelas, Sam Morrison, Agatha Wong, Nikko Huelgas at Cheska Altamonte.
Maliban sa mga Olympian ay sumali rin ang mga estudyante sa Tagaytay.
Ang fun run na ito ay isinagawa na sa ilang bansa tulad ng Singapore, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Bahrain, Bangladesh, Palestine, Tajikistan, Brunei, Myanmar.
Samantala, ang 19th Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China ay isasagawa sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.
