75 PNP personnel ng Bayawan City Police, pansamantalang inalis sa puwesto

75 PNP personnel ng Bayawan City Police, pansamantalang inalis sa puwesto

PINALITAN na ang nasa 75 personnel ng Bayawan City Police kasunod ng kautusan ng DILG sa gitna ng ginagawang imbestigasyon sa nangyaring pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Pinalitan si Bayawan City Police Chief PltCol. Rex Aboy Moslares at 74 non-commissioned officer ng istasyon habang pumalit naman dito ang si PltCol. Stephen Amamaguid na dating nadestino sa Provincial Police Strategy Management Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office.

Bukod sa Bayawan, maapektuhan din ang iba pang lokal na opisyal ng pulisya sa iba’t ibang LGU sa nasabing lalawigan.

Layon ng nasabing hakbang na hindi mabahiran ng anumang duda ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa nangyaring assassination kay Governor Roel Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter