78 na mga kumpirmadong armas mula sa NPA, sinira ng 5th ID Philippine Army

78 na mga kumpirmadong armas mula sa NPA, sinira ng 5th ID Philippine Army

UPANG matiyak na hindi na magagamit pa ang mga nakumpiskang mga armas mula sa New People’s Army (NPA), sumailalim ang nasa 78 na mga armas sa demilitarization.

Pinangunahan ni Major General Lawrence Mina, Commanding Officer ng 5th ID ng Philippine Army,  ang pagsira sa mga kumpiskadong armas.

Ang mga naturang armas ay pawang mga nakuha mula sa mga operasyon ng militar laban sa Communist Party of the Philipplines-New People’s Army (CPP NPA) sa Cagayan at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinagpira-piraso ng militar ang mga nasabing armas at sinunog.

Paliwanag ng Philippine Army, hakbang ito upang hindi na magamit pa sa anumang karahasan ang nasabing mga baril.

Taliwas ito sa paratang ng makakaliwang grupo na ginagawang recycled ng militar ang nasabing mga armas.

Dahil sa walang tigil ang military operations, tiniyak din ng Philippine Army ang unti-unting pagbagsak ngayon ng CPP NPA sa nasabing mga rehiyon.

Samantala, umaasa ang Philippine Army sa tuluy-tuloy na ugnayan ng mga komunidad, military, at kapulisan para puksain ang mga kalaban sa gobyerno at tuluyang makamtan ang inaasam na kapayapaan sa bansa.

BASAHIN: Recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga estudyante sa Amerika, isiniwalat ni PBGen Eric Noble

                       750 mga magsasaka sa Negros Occidental, kinondena ang CPP NPA NDF

SMNI NEWS