8 ecozones, malapit nang maaprubahan ng FIRB

8 ecozones, malapit nang maaprubahan ng FIRB

MALAPIT nang maaprubahan ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang walong big-ticket economic zone development projects na suportado ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Sa tala, nakaambang aprubahan ang mga proyekto na nagkakahalaga ng mahigit P33-B na investments.

Ang pinakamalaking proyekto ay itatayo sa Medellin, Cebu.

Pumapangalawa naman dito ang proyekto na itatayo sa Malvar, Batangas at General Trias, Cavite.

May apat ding IT parks na itatayo sa Araneta City, Quezon City, South Cotabato City, at Makati City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter