Miles Bridges ng Charlotte Hornets, humingi ng tawad sa pagkakasangkot sa felony domestic violence

Miles Bridges ng Charlotte Hornets, humingi ng tawad sa pagkakasangkot sa felony domestic violence

HUMINGI ng tawad ang basketball player ng Charlotte Hornets na si Miles Bridges matapos ang isang taong pagkawala sa National Basketball Association (NBA).

Ito’y matapos siyang maakusahan ng pananakit sa kaniyang asawa sa harap mismo ng kaniyang mga anak.

Ayon kay Miles Bridges, lubos siyang humihingi ng tawad sa lahat lalong-lalo na sa kaniyang pamilya at ngayon ay prayoridad na rin aniya ang therapy para maging maayos at maipagmalaki ng mga ito.

Hindi nakapaglaro si Bridges noong nakaraang season matapos siyang arestuhin sa Los Angeles noong Hunyo 29, 2022.

Sinuspinde ng NBA si Miles sa 30 games nito sa NBA.

Inanunsiyo naman ng Hornets na lumagda ng isang taong contract si Bridges sa alok na 7.9 million dollars.

Nagpasalamat naman si Bridges sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kaniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter