PINALAYA ng grupong Hamas ang walo sa mga hawak nitong hostages kapalit ng 110 na Palestinian detainees at prisoners ng Israel.
Kabilang sa walong pinalaya sa Gaza ang mga Israeli na sina Agam Berger, Arbel Yehoud, at Gadi Moses.
Kasama rin dito ang limang Thai nationals na sina Thenna Pongsak, Sathian Suwannakham, Sriaoun Watchara, Seathao Bannawat, at Rumnao Surasak.
Sa ngayon, nasa kabuuang 15 hostages na ang napalaya ng Hamas, habang nasa 400 Palestinians naman ang pinalaya at palalayain pa ng Israel simula noong Enero 19 nang magkasundo ng ceasefire ang Israel at Hamas.
Kinumpirma rin ng Hamas ang pagkasawi ng kanilang military wing leader na si Mohammed Al-Deif.