AYON sa mga eksperto, 84% ng mga coral reef sa buong mundo ay apektado na ng coral bleaching dulot ng mainit na temperatura ng tubig.
Ang coral bleaching ay nangyayari kapag ang temperatura ng tubig ay tumaas ng sobra.
Bagamat maaaring makabawi ang mga coral kapag bumalik sa normal ang temperatura, maaari din silang mamatay kung patuloy ang init.
Ang unang bleaching event ay nangyari noong 1998 at nakaapekto sa 21% ng mga coral reef, at patuloy itong tumataas, na umabot sa 37% noong 2010 at 68% mula 2014—2017.