9 malalayong paaralan sa Tawi-tawi, nabiyayaan ng libu-libong PagbaBAGo bags ng OVP

9 malalayong paaralan sa Tawi-tawi, nabiyayaan ng libu-libong PagbaBAGo bags ng OVP

NABIYAYAAN ng libu-libong pagbaBAGo bags ng Office of the Vice President (OVP) ang siyam na na malalayong paaralan sa Tawi-Tawi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa OVP na sa pamamagitan ng OVP – BARMM Satellite Office, mas madaling naaabot ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang mga naturang paaralan.

Umabot na sa 2,000 bags ang naipamahagi ng OVP sa Tawi-Tawi na may lamang school supplies gaya ng notebook, ballpen, lapis, at iba pa.

Mayroon din itong lamang dental supplies tulad ng toothbrush at toothpaste.

Layunin ng OVP sa 2025 na mas mapalawak pa ang mga serbisyo ng tanggapan sa mas marami pang Pilipino lalo na sa iba’t ibang malalayong lugar sa buong bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble