9 SAF Commandos na nasugatan sa operasyon sa Sulu, pinarangalan ng PNP Chief

9 SAF Commandos na nasugatan sa operasyon sa Sulu, pinarangalan ng PNP Chief

ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang siyam na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) na nasugatan sa isang law enforcement operations.

Personal na isinabit ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang Medalya ng Kadakilaan (PNP Heroism Medal) at Medalya ng Sugatang Magiting (PNP Wounded Medal) sa mga sugatang pulis sa ospital sa Zamboanga City.

Nasugatan ang mga pulis sa pagpapatupad ng warrant of arrest sa Barangay Seit Higad, Panamao, Sulu laban kay Muksidal Jumadil, isa umanong drug dealer na wanted sa illegal possession of firearms and murder.

Bukod sa nakabinbing kaso, si Jumadil din ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa isang negosyante sa Barangay Kanmindus, Luuk, Sulu.

Sa kasamaang palad, nasawi si Jumadil sa operasyon ng pulisya.

Follow SMNI NEWS on Twitter