Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 4th quarter at buong taon ng 2022

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 4th quarter at buong taon ng 2022

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7.2% sa ikaapat na quarter ng 2022.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pangpitong consecutive quarter na paglago ng ekonomiya mula sa ikalawang quarter ng taong 2021.

Ang may mga malaking ambag sa 4th quarter ng 2022 Gross Domestic Product (GDP) growth ay ang wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles, financial and insurance activities, at manufacturing.

Dahil dito, nagresulta sa 7.6% ang full-year GDP growth ng 2022 na mas mataas kumpara sa 5.6% full-year growth ng 2021.

Lagpas ito sa target band ng pamahalaan na 6.5% hanggang 7.5% para sa buong 2022.

May malaking ambag naman sa kabuoang GDP growth ng 2022 ang wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; manufacturing; at construction.

Nalagpasan din ng 2022 4th quarter GDP growth ang median analyst forecast na 6.8%.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) nang dahil dito, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na ekonomiya kumpara sa kalapit na mga bansa.

Ayon naman kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa ang 7.6% growth rate para sa buong 2022 ay ang pinakamataas mula noong 1976.

Binigyang-diin naman ni Balisacan ang kontribusyon ng pagluwag ng COVID-19 restriction at maayos na pamamahala ng gobyerno sa COVID-19 pandemic sa economic outlook ng bansa.

Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, babagal ngayong 2023 – NEDA

Ngayong 2023, inaasahan ng NEDA na babagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ay dahil sa pagbagal ng global economy at mga hamong kinakaharap sa labas ng bansa.

Una na ring sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bagamat babagal, lalago ang ekonomiya ng bansa sa 7.0% ngayong 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter