NAGHAIN ngayong Lunes si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ng resolusyon na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon at pag-uusig ng International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang Senate Resolution 488, iginiit ni Padilla ang “unequivocal defense para sa dating Presidente, mula sa imbestigasyon prosekusyon ng ICC.
Iginiit ni Padilla sa kanyang resolusyon na gumagana ang judicial system ng Pilipinas.
Dagdag niya, matapos pinayagan ng ICC ang imbestigasyon sa “crimes against humanity” sa Pilipinas, itinuring ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “insulto” at “totally unacceptable.”
Ayon din sa resolusyon ni Padilla, naniwala si Duterte na ang problema sa iligal na droga ay panganib sa “social fabric” ng bansa, at ang paglaban sa droga, katiwalian at ibang krimen ay kailangan para makamit ang tunay na kaginhawaan.
Ipinunto ni Padilla na sa administrasyong Duterte, nagkaroon ng “remarkable accomplishments” dahil sa kampanya laban sa iligal na droga, rebelyon, terorismo, katiwalian at krimen, habang bumuti ang peace and order situation.